Merceditas Have Mercy On Us

Merceditas – ang tawag sa baluti ng mga hudas.
Pangalan ng taong caregiver ni satanas,
Maaari ring isang sakit na wala ng lunas,
O di kaya’y uri ng pagkaing nabubulok sa Payatas.

Merceditas
Sino ba talaga ang iyong amo?
Si REGLA bang nagluklok sa’yo?
O ang taumbayang nakatanghod sa’yo?

Kamukha mo yung tsismosa naming kapitbahay,
Hawig mo rin pag clinose-up yung anay.
Para kang BITCH sa aming paningin,
Pagkat inuupuan mo lang ang mga kasong nakabinbin.

Gusto ko sanang sumulat ng isang matinong tula,
Yung tipong hindi ko na kakailanganin pang magmura.
Kaya lang ikaw ang napili kong paksa,
Wala tuloy akong maisip na magagandang salita.

Panalangin ko sana’y bumaba ka na sa pwesto,
Wag mo ng patagalin ang dinaranas naming kalbaryo.
Nais na naming makalaya sa gapos ng korapsyon,
At ng makausad na ang naghihingalo nating nasyon.

 

Note:
REGLAREpresentative GLoria Arroyo

 



Paalam Danilo Diaz, Jr.

Kahit ilang beses lang kitang nakasama sa mga sortie, labis pa rin akong humahanga sa’yo. Bukod sa masipag ka sa mga gawain sa headquarters, alam ko rin na isa kang mabuting ama sa mga anak mo at isang mapagmahal na asawa sa iyong kabiyak. Kaya labis akong nagpapasalamat sa Panginoon na nagkaroon ako ng pagkakataon na makasama ka kahit saglit lang.

Noong nalaman ko binawi ka na ng ating Panginoon, labis akong nalungkot. Mga ilang minuto rin akong natulala. Nagtataka ako kung bakit ika’y pumanaw kagad. Naisip ko ang pamilyang iyong maiiwan. Maliliit pa ang iyong mga anak. Napagkaitan kagad sila ng pagkakataon na lumaki na may kasamang ama. Sa kwento na lang nila malalaman kung gaano ka kabuti sa iyong kapwa. Laking panghihinayang ang naramdaman ko noon. Masakit pero kailangang tanggapin.

Sa totoo lang, ayaw na ayaw ko na gumawa ng ganito kasi alam kong huli na ang lahat. Wala nang silbi ang mga papuring ito kung hindi mo naman nababasa ko naririnig. Pero para na rin sa mga nagmamahal sa’yo pati na rin sa mga taong hindi ka kakikilala, karangalan kong ibida sa kanila ang isang taong katulad mo.

Habang ginagawa ko ito, bigla kong naalala ung araw na nagsosortie tayo sa Bulacan. 1st time kong sumama sa ganoon kaya hindi ko pa alam kung paano yung gagawin. Natutuwa ako na naging mainit ang pagtanggap nyo sa’kin. Madalas akong natutulala kapag pinagmamasdan ko kayo. Madalas ring tumitindig ang aking balahibo kapag nakikita ko ang suporta ng mga tao kay Nicanor Perlas. Nagtataka rin ako kung bakit ansisipag nyo. Ganito ba talaga kumilos ang mga volunteer? Lalong naantig ang aking puso nung dumaan tayo sa bahay nyo at nakita ko ang pamilya mo. Naramdaman ko ang iyong pagsasakripisyo, ang mawalay sa iyong pamilya para sumama sa pangangampanya. Simula nun ay tumaas na ang pagtingin ko sa’yo pati na rin sa iba pang volunteers.

Para sa akin, isa kang mabuting kaibigan. Sayang hindi na natuloy yung pinaplanong pagkikita-kita ulet ng mga Ka-Perlas. Kung matuloy man iyon, siguradong hindi na ganun kasaya kasi wala ka na. Pero magkagayunman, mananantili ka na sa aming mga puso. Ang iyong alaala ay aming babaunin hangga’t kami’y nabubuhay.

Natatandaan ko pa yung pag-uusap natin dati.

Dan Gerald: (Sa pagvovolunteer) “Pre bakit mo ginagawa ito?”

Danilo: “Para sa pamilya ko. Ito lang ang tanging magagawa ko sa ngayon para masigurado na magiging maganda ang kinabukasan nila..”

Salamat sa maiksi ngunit talaga namang makabuluhang paglalakbay sa mundong ito. Inuulit ko, mapalad kaming makilala ang isang katulad mo. Mananatili kang inspirasyon sa amin. Maswerte ka at maaga kong makikita ang ating Dakilang Lumikha. Ikamusta mo na lang ako sa lolo’t lola ko dyan sa langit.

Salamat ulet kaibigan.

Week 5 Groovy Movie Wednesday! – “I Love You Beth Cooper”

Brrrrrr…

We are really having a cold weather. It’s February now but it still feels like December. Oh, did I just said February? It’s love month then. I’m sure many couples will celebrate Valentine’s Day next weekend. Restaurants, movie houses, beaches, even hotels/motels will be crowded by that time. So why not celebrate it on weekdays? Have you ever tried dating in a spa? If not yet, then I know a place where you can have a relaxing massage and watch a movie at the same time.

WhenInManila and BlueWater Day Spa are giving away a pair of ticket for an event this coming Wednesday, Feb 9, 2011 at 6:30pm. Join us at BlueWater Day Spa for this HD Movie screening with your complimentary massage, snacks and giveaways!

I Love You, Beth Cooper

***Please read all before asking questions or joining.

GOLDEN RULES:

1. Just blog about this, and link to http://WhenInManila.com/, http://VinceGolangco.com/, http://FlairCandy.com/, http://BlueWaterDaySpa.com/ and this fan page, http://Facebook.com/WhenInManila.
2. Post a link to your blog ON THIS PHOTO THREAD in the comments section.

Because of the high demand and very limited seating, note that just writing a blog (or copy and pasting this) does NOT automatically entitle you to tickets. We will CHOOSE the blogs we like. Also, please only use active blogs that are at least a few months old with other posts. Tickets are non-transferable.To increase your chances of getting tickets, get some “likes” on your comment that you leave here, with the link to your blog post.

We really wanted to thank the blogging community first, especially for all the help they’ve given us. But we will also have events for those non-bloggers in the future. Or, if you really don’t have a blog, leave a nice comment and get lots of likes, and we’ll see what we can do.

We’ll then pick 20 people to come join us at this very EXCLUSIVE, luxurious and relaxing event. Tickets will be given out the Monday before the Groovy Movie Wednesday screening.

WhenInManila.com realizes that their success is due to great bloggers and friends like you. Thank you and please do stay tuned for bigger events in the future.

Hurry while seats are still available!

Love! Love! Love!

Tamad Magsulat

Madami sana akong kwento. Mga pakikipagsapalaran, mga kabiguan, pati na rin ang mangilan-ngilang tagumpay. Maghapon akong nakaharap sa computer pero bakit wala akong lakas para magsulat? Kinakatamaran ko na naman ba? Walang bakanteng oras? Hindi ko rin alam. Ang alam ko lang ay madami akong kwento.

Movie reviews, mga bagong tula, mga lugar na napuntahan, mga opinyon sa mga isyu ng lipunan. Nakakapanghinayang. Matatapos na naman ang araw pero wala pa rin akong nasusulat. Mukang napapabayaan ko na nga talaga. Tsk.

Tamad lang talaga. Ngayon.

I-legalize ang Marijuana sa Pinas!

Malamang ay marami ang magtataas ng kilay sa aking nais na maging legal ang paggamit ng marijuana sa Pilipinas. Nababaliw na ba ako? O nagpapapansin lang?

Kung legal ang pagyoyosi at ang pag-inom ng alak, bakit hindi ang pag-hits ng marijuana? Eh pare-pareho lang naman yang nagdudulot ng sakit kapag inabuso,di ba? Tsaka kung iyong pag-iisipan ng mabuti, mas madaming health benefits ang makukuha sa marijuana kung ito ay gagamitin sa tamang paraan. Bukod sa ito’y nakakatulong para maging magana tayo sa pagkain, mabisa rin itong gamot sa hika. Marami rin ang mga nadiskobreng magandang dulot nito sa ating katawan kagaya ng:

• Relieving Pain
• Anti-asthmatic
• Anti-rheumatic
• Anti-inflammatory
• Anti-cancer

Kung ikukumpara mo ang isang stick ng marijuana sa isang stick ng sigarilyo, mas less toxic ang marijuana dahil wala itong nicotine kagaya ng nasa filter ng sigarilyo. Wala rin itong 2nd hand smoker effect.

At kung ikukumpara mo naman ang marijuana sa alak, halos wala rin itong pagkakaiba dahil pareho lang itong nakakahilo kapag ikaw ay nasobrahan. Pero mas gugustuhin ko pang lapitan ng taong amoy chongke kaysa ng isang amoy chico. Mas moderate kasi ang approach ng isang bangag kaysa sa lasing.

Kung dumating man ang panahon na gawing legal ang paggamit ng marijuana sa Pilipinas, dapat ay pag-aralan nila itong mabuti upang magamit lang ito sa tamang paraan. Ilan sa mga nakikita ko na tamang paggamit nito ay:

• kailangan ay nasa hustong gulang na
• may reseta ng doktor
• bawal gumamit sa mga pampublikong lugar
• bawal bumiyahe ng may bitbit sa higit sa 10 grams ng marijuana
• dapat ay sa authorized outlet lang pwedeng bumili

Kung tutuusin ay wala naman sa marijuana ang problema kundi sa mga taong gumagamit nito. Kung gagamit lamang ng tao ito sa tamang paraan, tiyak kong maganda ang idudulot nito sa ating katawan.

Ang pagiging addict ng tao sa marijuana, sigarilyo, at alak ay walang pinagkaiba sa taong addict sa paglalaro ng dota, pagcha-chat at maging sa pagfafacebook.

Anumang sobra ay nakakasama.

Dugtungan ng Tula

Hi guys!

Share ko lang itong ginawa namin ni Kenndi Arteest sa KATHANG ISIP group sa Facebook. Nagpalitan kami ng tig-dalawang linya para makagawa ng isang tula at ito ang kinalabasan.


DanGerald:

Sa tuwing iihip ang hangin patungo sa akin,

Hindi ko maiwasang ika’y alalahanin..

Kenndi:

Sa bawat nakakasilaw na pag-ngiti ng araw,

Ang mga ala-ala nati’y ayaw parin bumitaw..

DanGerald:

Tila ba hinahatak tayo pabalik sa nakaraan,

Nakaraang kailanma’y hindi ko malilimutan..

Kenndi:

Subalit ano pa ba ang halaga ng nagdaan?

Alam nating ang panaho’y tuluyan na tayong nilisan..

DanGerald:

Ngunit kong bibigyan ako ng isa pang pagkakataon,

Ikaw pa rin ang nanaising makapiling ngayon..

Kenndi:

Ang init ng pagiibigan nati’y hindi man kayang ulitin,

Sa muling pagkikita, sana’y atin ding sulitin..

DanGerald:

Kaya kung tayo’y muling pagtatagpuin ng tadhana,

Sa aking pagyakap, ang katawan mo sana’y iyong ipaubaya..

Kenndi:

Hahayaan kong ang bugso ng damdamin ang magpasya,

Kung umaalab man ang puso’y pareho tayong sasaya..

DanGerald:

Kung kabaligtaran ang mangyari, ako’y lubusang malulumbay,

Pagkat ikaw ang natatanging nagbibigay sa akin ng buhay..

Kenndi:

Hindi ko hahayaang ang pagkakataon ay masayang,

Ngayong gabi, tayo’y magmamahalan ng lubusan..

Salamat NU 107

Natatandaan ko pa yung sabi sa akin dati ng tita ko,
Huwag ko daw ipipihit sa dulong kanan ang tuning ng radyo,
Nagtataka ako kung bakit nya nabanggit sa akin ito,
Andun daw kasi sa dulo ang estasyon ng mga demonyo.

Hindi ko na inalam kung totoo nga ito,
Hindi ko na rin inalam ang soundtrip sa impiyerno,
Basta ito lang ang tumatak sa aking utak,
Na kampon ni satanas ang Metallica at Razorback.

Grade 6 na ng simula akong magtanong ng mga bakit,
Bakit may mga kantang pasigaw ang pag-awit?
Bakit karamihan ng adik ay long hair ang gupit?
Bakit ang payat payat ni Pepe Smith?

Ang mga tanong ko ay nabigyan naman ng kasagutan,
Nabrain wash lang pala ako sa aking kabataan,
Wala naman pala talagang radio station ang mga demonyo,
NU 107 pala ang estasyon na tinutukoy ng tita ko.

Unti unting lumiwanag ang lahat,
Ang estasyon pala na ito ay rakrakan ang format,
Masarap rin palang makinig sa tugtugan na maiingay,
Lalo na pag ikaw ay badtrip dahil napagalitan ni nanay.

Lumipas ang mga araw, buwan at taon,
Nagbabago ang tugtugan, nag-iiba rin ang panahon,
Masakit isipin na kailangang humantong sa ganito,
Na ang NU 107 ay hindi na maririnig sa radyo.

Hindi ka na namin nagawang pigilan pa,
Pagkat karamihan sa amin ay naiintindihan ka,
Sasariwain na lang namin ang iyong alaala,
Alaalang babaunin hanggang sa aming pagtanda.

Salamat NU 107 sa maraming taon ng rakrakan,
Sa mga gig na ikaw ay aming naka-islaman,
Sa mga bandang sa amin ay iyong ipinakilala,
Salamat sa lahat. Salamat. Alak pa!

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.